Stranger-Danger!

Notes

Regalo para kay Cherie Tan

Dahil ang tunay na kaibigan ay nagreregalo tuwing pasko. Kahit the gift of love lang. Pero pwede din namang hindi gift of love. Marami na ako nun. Hehehe :)

1.) Nail cutter

Dahil noong isang taon ko pa ito hinihingi at wala parin akong nailcutter na matatawag kong akin.

2.) Banig

Dahil may kumuha ng banig ko sa kotse ko at di na binalik.

3.) Air freshener

Para sa kotse kong medyo freaky ang amoy pag tinotopak ang aircon.

4.) Lampshade.

Dahil bumigay na yung lampshade ko na ginagamitan ko pa ng screw driver para bumukas.

5.) Tinapay

Dahil araw araw akong kumakain ng tinapay.

6.) Ballpen na may pangalan ko

Para hindi ako pumupulot ng ballpen ng ibang tao.

7.) Oil control film

Dahil aliw na aliw ako pag nakikita ko na yung oil sa film.

8.) Extension cord

Para pwede akong mag charge ng cellphone habang nakasaksak yung future lampshade ko.

9.) Unan

Dahil may kumot ako sa kotse pero walang unan.

10.) Raincoat na kulay yellow

Dahil ayoko magbitbit ng payong na mawawala ko din eventually.

Hindi ko alam kung may magreregalo talaga sakin, pero kung ikaw, oh my dear reader, ay nagpaplano na regaluhan ako. Kahit isa lang sa mga andyan ay ikaliligaya ko talaga ng lubusan. Kaya BUY na!